IM HERE IN SINGAPORE, ANO NA?
1. Sa Budget Terminal Bumaba ang eroplano ko? What’s next?
Maliit lang ang budget terminal and you can find your way out. Sa labas, may free shuttle bus na pumupunta sa Terminal 2. This is where you will need to take the MRT train on your way to the city.
2. Sa Terminal 1 Bumaba ang eroplano ko? What’s next?
Find the sign that says “to Terminal 2 via Skytrain”.. sasakay po kayo ng maliit na tren (Skytrain) to go to Terminal 2 where you will need to take the MRT train on your way to the city.
NOTE: Either of the two, mayroon pong mga taxi na available but a costly price.
If you have no SG dollars yet, mayroon pong mga Forex establishment sa Terminal 1. Kung malaki po ang dala nyong pera, magpapalit lang kayo ng maliit na value, kahit mga 100 SGD lang muna pambayad sa taxi or sa EZ-link card.
3. Ano po yung EZ-Link? nakakain ba ito?
Ang EZ-link po ay isang electronic prepaid card at pwedeng mag-load ng additional value (called "top-up") either sa MRT stations, Bus Interchange (Bus Stations/Terminal sa Pinas) or 7-Eleven.
Ito po ay pwedeng gamitin sa pagsakay sa MRT, sa BUS at pwede ding pambayad sa inyong meal sa McDo (yes, im not kidding) at taxi.
Nabibili po ito sa mga MRT station for $15 value.
4. Magkano pala usual nyo na pamsahe araw araw?Saan ba mas makakatipid all the way bus or bus-mrt?
Ang pamasahe sa bus ay 0.90 cents (no EZ link card) at 60 cents pag may EZ link card for the first 4 or 5 bus stops.
Ang pamasahe sa MRT ay ranging from 90 cents to 2.00 dollars
Mas matipid sa BUS, but as you know, matagal magbyahe sa bus at for newcomers, medyo nakakalito pa ang pagsakay sakay ng bus dito.
I suggest just to use the MRT at kaunti lang naman ang diprensya ng pamasahe.As you gain experience, masasanay rin kayo sa bus at don na lang nyo gawin ang luxury of looking around.
Please check these LINKS for more information about BUS and MRT guides:
5. Umaandar ba ang "celphone ko dyan? Nokia model xxx ang celfone ko
Yes, aandar ang iyong "celphone" dito, (or called handphone dito sa S'pore) kahit na Nokia 5110 pa ang iyong hawak.
6. Saan ako mag stay sa Singapore? Anything you can recommend?
This is also one of the hardest and expensive to find if you don’t have any relatives here . Kahit nga po may relatives, may sari sarili po kasi silang room sa isang bahay at may mga housemates na iba. Minsan, nakakahiya na magpatira ng kaibigan o kamag anak sa bahay dahil may ibang tao at sumisikip ang bahay (nakikigamit ng CR, TV, Computer, etc).
Before you go here in Singapore, please make sure na may tutuluyan po kayong bahay and make sure na yung friend or relative nyo ay pumapayag sa inyo at sa mga kasambahay nila.
For those who were unfortunate to have a relative or friend. You can either look for posted ads sa classified section ng pinoysg where mga ibang pinoys ay pinaparent ang kanilang vacant room or shared room.
Hotels are horrendously expensive, unless ipinanganak po kayo na may gintong kutsara, but you can try those backpackers hostels which cost you from $16 - $25 per night. These are some of the websites I know, but I have not personally tried them. May mga narinig akong nagpunta dito at dyaan nagstay pero ok naman daw.
7. May mga carinderia ba dyan? Magkano ang per meal?
Ang mga carinderia dito ay tinatawag na "hawker". you can find them at almost every corner.
Ordinary meal cost anywhere from $1.50 to $4.50 depende sa location ng hawker. Drinks cost from $1.20 to $1.60 per can.
8. Ano po ang mga common terms na dapat kong malaman?
Ito po ang mga common terms na dapat nyo gamitin or karaniwan nyong madidinig dito..
a) "Handphone" (abbreviated HP) - imbes na "Celfone" ang tawag.
b) "Top-up" - ang tawag kapag maglo load ka ng prepaid card
c) "Auntie" or "Uncle" ang tawag sa mga matatanda.
d) "Can" or "Cannot" ang karaniwang expression pag "pwede" or "hindi pwede"
e) "Going back" - kapag uuwi na
f) "Specs or Spectacles" - eye glasses
g) "Car Park" - parking lot
h) "Hawker" o "Kopitiam" ang mga tawag sa kainan o carinderia dito.
9. Anong Lugar po maganda bumili ng mga electronic items
Sim Lim near Bugis MRT station (although don't buy on those lower floors) or better yet, Funan Square near CitiHall MRT station.
No comments:
Post a Comment